

Terms and Conditions
ENTRY CRITERIA
Lahat ng gustong sumali sa
contest ay dapat na naninirahan sa Marinduque at naka-enroll sa alinmang
paaralan sa lalawigan.
Isang kanta lamang ang
maaaring isali kada isang estudyante o grupo.
Ang await ay maaaring iba
kaysa sa kompositor o mga kompositor.
Ang awit ay maaaring ginawa
ng ilan pero dapat ipaalam kung mga sino sila.
PAKAY
Ang patimpalak na ito ay
naghahanap ng isang orihinal na komposisyon para sa Sentenaryo ng Marinduque sa
Taong 2020, na gagamitin sa lahat ng okasyon na may kinalaman sa Pagdiriwang ng
Sentenaryo.
THEME O PAKSA
Sumulat ng isang awit
patungkol sa pagkakaisa at bilang isang Marinduqueño na nagmamahal sa kanyang
islang-lalawigan.
Lahat ng istilo o musical
styles ay tatanggapin.
MGA HURADO
May pipiliin na isang panel
of judges ang Marinduque Centennial Committee.
Ang decision ng mga hurado ay
final.
CRITERIA na gagamitin ng mga Hurado:
Ang mananalong awit ay
huhusgahan ayon sa mga sumusunod na pamantayan.
- General appeal o ganda ng awit.
- Ang haba ng awit: Mula 2 minuto hanggang 4 na
minuto.
- Ang awit ay madaling matutuhan (‘Sing-ability’),
ng mga tagapakinig.
LYRICS O TITIK
- May kopya ng titik na dapat isumite.
- Ang paggamit ng salitang Tagalog Marinduque na
ginagamit sa alin man sa anim na bayan ng lalawigan ay iminumungkahi at maaaring
gamitin. (Kung kinakailangang isalin sa Ingles o Filipino ang mga salitang
kakaiba, ay gawin ito).
MUSIKA
- Ang basihan ng komposisyon na dapat
isaalang-alang: Mga Tip: Pasakalye (Intro), ______ (verse), hook (linya
o kataga na ginagamit sa mga awit para madaling matandaan ang awitin dahil
“maganda sa tainga ng nakikinig”), solo, at
outro (outro ang nasa hulihang bahagi ng awitin).
- Ang melodya (melody) ng awit at ritmo (rhythm) ng
mga titik.
- Dynamics (may malakas at mahinang mga bahagi)
- Backing vocals/harmonies (optional)
PERFORMANCE
- Magandang kalidad ng tunog ng isusumiteng entry.
- Maliwanag na pag-awit/pagsasalita
- Maayos na paggamit ng mga instrument (musical
instruments), tama sa tiyempo at mga nota.
- Integridad ng piyesa sa kabuuhan (istilo ng
musika at mga titik ay magkatugma).
GANTIMPALA (PRIZES)
Ang mananalong awitin ay
tatanggap ng:
PHP 25,000.00 at mga regalo
at pagkakataong awitin ito live sa centennial events, at para sa local cable TV
programs, at sa opisyal na social media features.
May ganoon ding matatanggap
na gantimpala ang kanilang paaralan (school/college) na magagamit sa ano mang school
project na kanilang gugustuhin.
Kung hindi ka mananalo ng
malaking premyo may matatanggap namang premyo ang top ten entries.
PAANONG SUMALI
Gamitin ang form na nasa
huling bahagi ng dokumentong ito na kasunod ng Terms and Conditions. Scan and
return or post.
PAANONG IPAPADALA ANG IYONG AWIT
Email your song as an MP3.
Sa email ay dapat nakalagay
ang TITLE, PANGALAN NG KOMPOSITOR/MGA KOMPOSITOR, PANGALAN NG IYONG PAARALAN,
PIRMADONG ENTRY FORM (scanned or posted), O PRINTABLE NA KOPYA NG TITIK AT
CHORD SUGGESTIONS.
HUWAG MAGPADALA NG MUSIC VIDEO.
Kung hindi mo maipadala sa
email ang iyong awit, ipadala ang CD nito o USB stick (lagyan ng marka na
nakasaad ang title, composer/s, school) kasama ang pirmadong Entry Form, a
printable copy of the lyrics and chord suggestions to:
To:
CENTENNIAL SONG COMPETITION
SECRETARIAT
Marinduque Centennial Year
2020.
Office of the Governor
Provincial Government of
Marinduque,
Provincial Capitol, Boac, Marinduque
Dahil sa limitasyong
administratibo, hindi maibabalik ang iyong entry. Gumawa ng kopya para sa iyong
sarili.
COPYRIGHT
Kailangan mong pirmahan ang Entry Form na nagsasabing ikaw/kayo ang totoong gumawa ng awit. (See page 3)
Ang mga estudyanteng 18 pataas
ay dapat pumirma sa Entry Form (kung wala pang 18 taong-gulang, dapat
papirmahin ang isa sa iyong magulang o guardian sa Entry Form.)
Pipirma ka rin para payagan
ang Marinduque Centennial Committee na gamitin (free license) ang iyong awit
para sa promotional (non-commercial) purposes.
The Competition CLOSES midnight 30 October 2019 (Submit
earlier to be on the safe side, don’t wait for the Deadline)



SEND CD/USB stick or MP3 to marinduqueprovincialgovt@gmail.com
or
SONGWRITING COMPETITION SECRETARIAT
Office of the Governor, Provincial Government of Marinduque,
Provincial Capitol, Boac, Marinduque
PLEASE COMPLETE ONE
ENTRY FORM PER SONG. AN INDIVIDUAL MAY ONLY ENTER, OR BE A PARTICIPANT IN ONE SONG.
Name of composer(s)……………………………………………………………………………
School…………………………………………………………………………………..
Email contact…………………………………………………………………………………
Mobile Phone ……………………………………………………………………………
Class/Year group in
2019……………………………………………………………
Song Title____________________________________________________________
Duration (Mins +
Secs)__________________________________________________
Performed by__________________________________________________________
- Translation
included if words are not in English (tick)
- Lyric
sheet included (tick)
COPYRIGHT
This is my/our own work
_________________________________________________________________
Signed above by composer/s
I verify this is the composer/s own work
Name/s:
Signed by Teacher/Principal PRINT Name:
Name of School/College:
_____________________________________________
The winning song
will be used by the Marinduque Centennial Committee 2020 for promotional and
non-commercial purposes.
________________________ (Signed by composer/s or parents if under 18 @ 30 Oct
2019.